Si Bethong po, isang Novo Ecijano! Mababa ang loob pero tumataas din minsan. Pasok po kayo sa mundo aking mundo, sa aking imahinasyon. Lahat po ng inyong mababasa dito ay bahagi ng aking pagkatao, bahagi ng nakaraan at bahagi ng kalikutan ng aking isip. Ating pagsaluhan ang mga bagay ng ating nakaraan! Ano man po ang aking pagkakamali dito ay hindi ko po sinasadya dahil hindi po ako profesional na manunulat. Ang pangarap kong magsulat, DITO ko matutupad.
Popular Posts
-
Madaling humusga kesa ang umintindi... siguro kaya mas madali nating husgahan ang isang tao ay dahil sa hindi natin alam ang kwento ng buh...
-
Ang talino ng isang tao ay ayon sa dami ng kaalaman at hindi sa taas ng pinag-aralan. Kung nais mong balikan ang nakaraan, tingnan ...
-
Gitnang-Silangan Hindi magtatagal ay lilisanin ko rin ang lugar na ito. Magagawa ko ring makalaya mula sa pagkakagapos na matagal ko...
-
Try to picture yourself as a wall. Yung tamang taas lang ng pader. Tinanong mo ba ang sarili mo kung sino ang willing umakyat over you p...
-
Sabi nila “there’s no such thing as “busy person", if you’re the Priority" sabi ko naman, yes it is, but Priority is differen...
-
We convince ourselves that life will be better after we get married… have a baby, then another, get a new job, get a new house. T...
-
Life is precious. It’s a gift. No matter how hard it is, you must keep on fighting. No matter how many times it knocks you down, what...
Thursday, September 28, 2017
Wala namang mali sa nararamdaman mo. Ang tanong dyan, saan mas matimbang. Saan ang mas kailangan? Ang sakit na dulot nya? O yung kaligayahan na nabibigay nya? Kasi at the end of the day, happiness mo ang importante. So what kung masakit, kung ibig sabihin ng kasiyahan ay ang masaktan ka nya eh di piliin mo nalang masaktan. Kasi kung iiwan mo rin sya, sakit lang maiiwan sayo. Pero kung marerealize mo yung tama, yung totoo, yung dapat, iiwan mo sya. Kasi hindi mo deserve masaktan. Kasi happiness mo nakataya dito, hindi sa kanya. Kaligayan mo. Matitiis mo bang nakikita sarili mo masaktan kapalit ng kakarampot na kaligayan na nabibigay nya?
Wednesday, September 27, 2017
'Paalam.’ ang sabi niya. Ngunit walang nag-abalang makinig; walang huminto para yakapin o magkunwaring pigilan man lamang siya.
Nakatungo habang binabagtas ang daan papalabas, pilit nagmamadali upang siya’y mabilis na makaalis na. Iniiwasang may mga taong makapansin; mga taong dati’y kanyang mga kaibigan — dating malaking bahagi ng buhay niya.
Biglang bumalik sa alaala yung mga panahon na masaya pa siya sa pananatili sa lugar na iyon. Yung kagalakan na magkaroon ng pagkakataon na makasalamuha ng ibang tao. Yung mga panahon na malaya niyang nagagawa ang mga gusto; walang takot na huhusgahan siya ng mga ito.
Pero unti-unting dumating yung sitwasyon na kanyang kinatatakutan. Yung mawalan siya ng kalayaan; ng kapayapaan ng kalooban. Dahil kung mayroon man siyang hindi gustong pakiramdam, iyon ay ang magapos at ang madiktahan. Dahil nandito siya para maging malaya. Para maialis ang ano mang gumugulo sa isipan. At kung hindi na niya makamit ito, hudyat iyon na oras na para siya ay lumisan.
Binuksan niya ang pinto ng dahan-dahan. Siniguradong walang liwanag na makakapasok mula sa labas dahil ito ang labis na kinatatakutan ng mga taong nasa loob. Mga taong nabulag na sa katotohanan; mga taong nasanay na sa kadiliman nang hindi nila nalalaman.
Sa huling pagkakataon ay lumingon siya sa dating tahanan. Naglabas ng isang mapait na ngiti at tuluyan nang tumuloy sa paglakad.
‘Paalam.’ ang sabi niya.
Pagmamahalang Lumipas
Sa loob ng mahabang panahon ay binabalewala
Hindi pinahahalagaan, hindi inuunawa
Tinitingnan lamang na parang isang ulilang bata
Walang pag-ibig, tinuturing na mababa.
Kailan pa ba natin sisimulang makita?
Ating nakaraan, sadyang malabo na
Taglay nito ang mga pabaon - mga alaala
Mga naging dahilan kung ba't tayo ngayo’y malaya na.
Tayo ay kasalukuyang iniwan ang panahon kung saan
Kay daming pasakit at hirap na napagdaanan
Ngunit magagawa ba nating sisihin ang nakaraan
na puno ng hinagpis, sigawan at karimlan.
Ito ang dahilan kung bakit mas dapat nating pagsikapan
Na maikintal ang pagpapahalaga at pagmamahalan
Dahil sa ating pagbabalik-tanaw sa ating mga naranasan,
Hindi na natin muling tatahakin pa; sa halip ay aayusin --
ang mga maling daang nilakaran
Tanging sa kasaysayan lamang natin magagawang maipakita
Kung papaanong ipinaglaban sa iba ang ating pagsinta
Doon din natin magagawang itanim sa puso ng bawat isa,
Na ang pag-ibig at ang mga pusong may pagkakaisa--
ay malaki ang pagbabagong sa atin ay maibubunga.
Sa huli, makikita mo rin na walang meron sa akin. Na sa iyong paglapit ay unti-unti mong mapagtatanto na hindi mo matatagpuan ang sa akin ay iyong hinahanap dahil sa una pa lang ay wala naman talagang matatagpuan. Na gaya lang ako ng karamihan sa atin–naliligaw–ngunit ang ipinagkaiba lang ay aking nalalaman na may mali sa aking nilalakaran.
Maraming salamat sa pagbabasa ng aking isipan.
Positibong Pananaw
Kung sakali mang hindi umayon sa aking mga plano ang maging takbo ng mundo, at sampalin man ako ng katotohanan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo ako, mananatili akong panatag at kuntento dahil nalalaman kong hindi ako nag-atubiling lumaban at sumubok na kamtin ang mga pangarap ko.
Pinili kong maging masaya, at ibinigay ang lahat-lahat nang meron ako sa buong proseso ng pagkamit ng kaligayahan o katagumpayan na ninanasa ko, kung kaya’t ano’t ano pa man, madarapa lamang ako, ngunit hindi matatalo.
Lahat Tayo'y Lilisan
Gitnang-Silangan |
Oo, alam kong hindi naman talaga ito isang malaking bangungot kung tutuusin. Hindi naman maikakaila na ako rin naman ay nakadarama ng pagmamahal at kaligayahan mula sa mga nakapaligid sa akin. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, kung aking titimbangin ang mga bagay-bagay, tila ba mas marami ang sa akin ay nawawala kaysa sa aking nakukuha. Nilalamon ng lugar na ito ang aking kalakasan. Unti-unti nitong pinapatay ang apoy sa aking kalooban. Inuubos nito ang aking tapang. Pinapawi nito ang aking kauhawan – na matuto, na maghanap, na makatagpo ng mga bagay na malayo mula sa akin kinagawian, kinalakihan at kasalukuyang nalalaman.
Kaya’t kailangan. Aalis ako rito ano’t ano pa man. Hindi man ako tuluyang tatalikod, dahil babalik at babalik din naman talaga ako mula sa aking pinagmulan – mula sa lugar na hindi ko naisip noon na gugustuhin kong iwanan. Kailangan. Kailangan kong buksan ang iba pang mga mga pintuan na nakahatag sa aking harapan.
Kaunti na lang. Kaunting tiis na lang. Patuloy akong naniniwala. Ako rin ay lalaya. Ako rin, mula rito, ay tuluyang makakawala.
Pre... Patience!
Mahirap man ngayon. Mukhang imposible man para sa ‘yo. 'Yung pakiramdam na parang hindi kumakampi sa 'yo ang pagkakataon.
'Wag ka agad susuko. 'Wag ka agad bibitiw. Kaunti lang yan kumpara sa mga napagdaanan mo na at ng mga tao sa buong mundo.
Ngayon ka pa ba papara sa jeep kung saan alam mo naman kung saan ang terminal nito? Minsan, hindi man nila dinadaanan ang sa tingin mong tama at nakasanayang daan, baka may ibang kalsada lang patungo sa pangarap mo na hindi ma-traffic. Tiwala lang sa DRIVER ng buhay mo.
Pre, patience is a virtue. Tandaan mo.
Pre, Magsulat Ka!
Wala yan sa lalim ng iyong tinuturan o sa babaw ng mga kung anu-anong ka-anuhan ang gusto mong isulat.
Wala yan sa kung ano ba ang mas kahangahangang salita kung pareho lang naman ang nais mong ipahayag.
Wala yan sa sasabihin ng iba kundi sa tanging mga salitang sasabihin mo lang.
Wala yan sa “Ano raw?” dahil sa di-pamilyar na salita, wala rin yan sa “E ‘di wow” dahil sa simpleng pangungusap na may matapang na pagpapahayag.
Kung gusto mong magsulat, magsulat ka. Titulo lang ang salitang manunulat o writer.
Kung ano ang gusto mong sabihin sa mundo - positibo man o hindi - ipahayag mo. Tutal, buhay mo naman yan eh. Matanda ka na rin para malaman kung ano ba ang mga consequences na maaaring mangyari.
Wag kang magpapapigil sa iba. Wag mong isara ang takip ng ballpen mo. Wag mong i-shutdown ang laptop mo. Wag mong i-log out ang mga social media accounts mo.
Wala yan sa kung anong sasabihin nila. Wala yan sa numero ng mga likes sa mga salitang inilahad mo. Wala yan sa bigat ng mga comments nila o sa kung ilang beses ba nilang pinindot ang reblog sign at hearts sign.
Pre, magsulat ka. Walang pipigil sa'yo.
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Madaling humusga kesa ang umintindi... siguro kaya mas madali nating husgahan ang isang tao ay dahil sa hindi natin alam ang kwento ng buh...
-
Ang talino ng isang tao ay ayon sa dami ng kaalaman at hindi sa taas ng pinag-aralan. Kung nais mong balikan ang nakaraan, tingnan ...
-
Gitnang-Silangan Hindi magtatagal ay lilisanin ko rin ang lugar na ito. Magagawa ko ring makalaya mula sa pagkakagapos na matagal ko...