Minsan muli kang titingin sa mga nakaraan. Minsan iniisip mo na what if bumalik sila sa buhay mo at sinabing...
"Tara? Ayusin ulit natin lahat sa umpisa?"
Tapos nagkataon na wala ka pa ring nahahanap. Babalik ka kaya? Malaki ang chance no? Kasi syempre ayun na yung taong minahal mo dati eh. Kumbaga kilala ka na ng tao na yun eh. Kahit papano kabisado mo na rin yung tao na yun eh. Tipong kesa maghanap ka pa ng iba, edi dun ka na sa taong minsan eh nagawa mo na ring sumaya.
At minsan may mga taong sobrang na tataken for granted dahil alam nilang may babalikan sila sa oras na walang wala na sila. At masasabi mong mas marami pa rin ang taong pinili maging tanga. Syempre kapag nagpakatanga ka ibig sabihin nun sa puso mo naramdaman yun. Tsaka sabi nga nila wala namang magbibilang kung ilang beses ka nagpakatanga. Tipong kahit nag pa pump lang ng dugo ang puso ayon sa siyensa. Dun mo talaga mararamdaman eh. Unlike kapag pinili mong maging matalino. Malaki ang possibility na madali mong sukuan ang tao. Sa tingin ko wala namang masama dun. Kasi isa rin ako sa naniniwalang kung mahal nila ako in the first place? Hindi sila mawawala sa buhay ko.
No comments:
Post a Comment