Popular Posts

Wednesday, October 11, 2017

What now?


Teka, hindi naman talaga ako kupal para sa inyong kaalaman. Isa akong normal na tao na may hangarin at goal sa buhay na minsan darating ang araw na ako naman ang tatawa... Lagi nating tandaan, bilog ang mundo! Maaaring ikaw ang nasa itaas ngayon at ako ang nasa ibaba. Pero may tamang panahon para magkapalit tayo ng sitwasyon... Tiwala lang brad!


Ang pagbabalik slash ang nagre-return of the comeback!




Kulangot!

Hindi lahat ng kulangot ay pwedeng bilugin...

...at least sa aking experience. dahil may mga kulangot talaga na fragile kung magaling ang access at pag-explore mo sa ilong pero sa huli ay magiging abo dahil sa katuyuan nito. Dehydrating man ang kulangot e ayos lang yan dude dahil ikaw lang din naman ang makakapansin nyan.

Superior retarded ang intro ngunit isa lang ang sigurado, hindi lahat reachable.

Dude help me!





Isang malaking eyebolan ang nagaganap ngayon sa amin ng laptop ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang dami kong kailangang gawin slash tapusin para umangat sa buhay, para kumita ng pera, para yumaman, para magkaroon ng lovelife, para magkaroon ng magandang buhay, pero eto ako at nagsasalitype dito na parang baliw at ligaw sa buhay.

Seryo, isang malaking epidemic at sakit ang nakuha ko pero hindi ko alam kung kaninong hampaslupa pero ang pakiramdam ko ngayon ay mas malala pa kaysa sa naghihingalong isda.

Paano iprarioritize ang mga dapat unahin? Bakit ang hirap gawin? Bakit ganito bruh? Bakit ganito ang buhay ko? Ganito na ba talaga ang buhay ng walang motivation sa buhay? Ganito na ba talaga nagagawa ng mga tao walang hangarin sa buhay? Taong walang pangarap sa buhay? Pero dude, may hangarin at pangarap naman ako sa buhay. At hindi lang basta pangarap, gusto ko sya matupad! Pero kung ganito ako bruh hindi ako uusad at hindi ako uunlad. Taragis dude pls help me!

Realidad ng Buhay!



Ang talino ng isang tao ay ayon sa dami ng kaalaman at hindi sa taas ng pinag-aralan.
Kung nais mong balikan ang nakaraan, tingnan mo ang sarili mo ngayon at makikita mo ang epekto ng iyong nakaraan. Kung nais mong malaman kung ano ang iyong magiging bukas, tingnan mo ang sarili mo ngayon at makikita mo kung anong bukas ang naghihintay sa iyo.

Huwag mong husgahan ang kapwa nang dahil lang sa kung ano ang narinig mo sa iba.
Mababasa mo ang isipan ng isang tao sa pamamagitan ng kilos at pagsasalita. Alam mo ba ang taong ayaw tumanggap ng pagkatalo ay ang taong laging sumisilip ng kamalian mo. Ang attitude ko ay naka depende sa kung paano mo ako tratuhin.

Minsan, ang simpleng payo mo sa iba, iyon ang hindi mo magawa sa sarili mo.
Huwag kang makikipagtalo kung sa realidad ay hindi mo magawa sa sarili ang ipinaglalaban mo.

Tuesday, October 10, 2017

Panghuhusga



Madaling humusga kesa ang umintindi... siguro kaya mas madali nating husgahan ang isang tao ay dahil sa hindi natin alam ang kwento ng buhay nila. Pero ang pinakamasakit ay ang panghuhusga na nakakasira ng pagkatao.

Tandaan natin... sa bawat pagkakataong nanghuhusga tayo ay nawawala ang oportunidad na makilala natin sila.

Thursday, October 5, 2017

A Great Life...



For couples out there, please read this!

I've heard the saying, "The best gift parents can ever give to their children is to love each other."

I've had the pleasure of witnessing the truth of this statement for over 40 years. From as far back as I can remember my Mom and Dad were a team. A great partnership. They were more than just a partnership. It was as if they were one person.

Sure, they argued, but there was never any doubt in our minds that any disagreements would be worked through and resolved. Mom and Dad began their married life poor, but they worked hard and, over the years, built a very successful business. They each had their strengths and weaknesses, but the way they worked together, you never saw the weaknesses, just the strengths.

Dad was the outgoing, more public person with whom people met and fell in love with right away. Everyone knew Dad! Then, when they got to meet Mom, they felt the exact same way about her as well. Mom, although not at all shy, was more comfortable being the person behind the scenes. More detail oriented, she ran the books and, according to Dad, was the one who really made the business work.

The biggest lesson about love and marriage that my mom and dad taught us kids was how to talk "about" your spouse. Have you ever heard husbands and wives, when speaking to others, make unkind remarks about their spouses? It's one of those things people just seem to do. Sure, they're "only kidding," or maybe they are not. But words matter. And words teach, whether positively or negatively.

You would never hear such a thing from my mom and dad. Dad always speaks of Mom in the most complimentary, glowing terms. As does she of him.

This lesson made such an impression on me. I still remember when I was age 12 and we were getting carpet installed in our home. The crew boss was one of those stereotypical beer guzzling, hard-living guys, who would have probably belonged to Ralph Kramden's Raccoon Lodge from the old Honeymooner's TV show. For lunch, my folks bought pizza for the crew. Dad went to talk with the boss about the job. I was around the corner listening. The boss said, "This is an expensive job. Women will really spend your money, won't they?" Dad responded, "Well, I'll tell you, when they were right there with you before you had any money, it's a pleasure to do anything for them you possibly can."

This wasn't the answer the carpet installer expected to hear. He was looking for negative banter about wives which, to him, was natural. He tried again: "But, gee, they'll really play off that and spend all they can, won't they?" Dad replied, as I knew he would, "Hey, when they're the reason you're successful, you want them to do the things they enjoy. There's no greater pleasure." Strike two.

The crew boss tried one more time, "And they'll take that as far as they can, huh?" Dad responded, "She's the best thing that ever happened to me. I'd do anything to make her happy." I was trying not to laugh. I knew he wanted Dad to give in just a little bit and say, "Yeah, I guess that's true." But it wouldn't happen... not in a million years!


But Love...


A house is a house is a house - until love comes through the door, that is. And love intuitively goes around sprinkling that special brand of angel dust that transforms a house into a very special home for very special people: your family.

Money, of course, can build a charming house, but only love can furnish it with a feeling of home.

Duty can pack an adequate sack lunch, but love may decide to tuck a little love note inside.

Money can provide a television set, but love controls it and cares enough to say no and take the guff that comes with it.

Obligation sends the children to bed on time, but love tucks the cover in around their necks and passes out kiss and hugs (even to teenagers!).

Obligation can cook a meal, but love embellishes the table with potted ivy trailing around slender candles.

Duty writes many letters, but love tucks a joke or a picture or a fresh stick of gum inside.

Compulsion keeps a sparkling house. But love and prayer stand a better chance of producing a happy family.

Duty gets offended quickly if it isn't appreciated. But love learns to laugh a lot and to work for the sheer joy of doing it.

Obligation can pour a glass of milk, but quite often love will add a little chocolate.


What Life is All About?


Life isn't about keeping score. It's not about how many friends you have or how accepted you are. Not about if you have plans this weekend or if you're alone. It isn't about who you have kissed, It isn't about who your family is or how much money they have or what kind of car you drive or where you are sent to school. It's not about how beautiful or ugly you are or what clothes you wear, what shoes you have on or what kind of music you listen to.

It's not about if your hair is blonde, red, black, or brown, or if your skin is too light or too dark. Not about what grades you get how smart you are, how smart everybody else thinks you are, or how smart standardized tests say you are.

Life just isn't.

Life is about who you love and who you hurt. It's about who you make happy or unhappy purposely. It's about keeping or betraying trust. It's about friendship, used as a sanctity or as a weapon. It's about what you say and mean, maybe hurtful, maybe heartening. It's about starting rumors and contributing to petty gossip. It's about what judgments you pass and why and who your judgments are spread to.

It's about who you've ignored with full control and intention. It's about jealousy, fear, ignorance, and revenge. It's about carrying inner hate and love, letting it grow and spreading it. But most of all, it's about using your life to touch or poison other people's hearts in such a way that could have never occurred alone. Only you choose the way those hearts are affected and those choices are what life's all about.

Today let this rainbow remind your friends and family of what life is really all about.


YOU NEVER LOSE YOUR VALUE


A well known speaker started off his seminar by holding up a $20 bill.  In the room of 200, he asked "What is this piece of paper and is it worth anything?"  "It is a $20 bill, which can be cashed  in international & national markets for it's  quoted value?" replied one of the many participants who raised their hands.
The speaker proceeded to crumple up the $20 bill  using both his hands until it  became a bundle of wrinkled paper.  He then unfolded it again and making an unsuccessful attempt to keep it  straight he asked, "Would you still be able to negotiate it for it's  quoted value?"

" Yes !!" was the echoing reply from the participants.
"Well," he said, "Looks like I haven't done enough!   What if I do this?"  And he dropped it on the ground and started to grind it into the floor with his shoe. He picked it up, which was now all crumpled, dirty, defaced  and not easy to recognize from a distance.  "Now will some one like to trade it for its quoted value?" Many hands went  in the air.

"I think that piece of currency is still holding its quoted value" replied  a participant  in an  unsure voice.  "This bill can still fetch goods worth 20 Dollars"  said the other participants. Every one agreed.
"My friends, there is a very valuable lesson in this exercise that we are just through with. It may have appeared to some of you, that I was able to  deshape, deface, mutilate & alter the $20 bill during the process as the effects were quite visible".

"However, No matter what I did to this piece of paper, you still upheld its negotiability because you were sure in your mind that my actions did  not actually decrease its value. It was still a currency note worth $20".

"Many times in our lives, we feel as though  we are dropped, crumpled, and  ground into the dirt by the decisions we make and/or the circumstances  that come our way.  We feel as though we are worthless.  It may also appear  to onlookers as if it has really happened to a certain extent. But no matter  what has happened or what will happen, please remember you never lose your  "Value".


Everything Happens For a Reason




Sometimes people come into your life and you know right away that they were meant to be there, they serve some sort of purpose, teach you a lesson or help figure out who you are or who you want to become. You never know who these people may be; your roommate, your neighbor, professor, long lost friend, lover or even a complete stranger who, when you lock eyes with them, you know that very moment that they will affect your life in some profound way. And sometimes things happen to you and at the time they seem horrible, painful and unfair, but in reflection you realize that without overcoming those obstacles you would never have realized your potential, strength, will power of heart.

Everything happens for a reason. Nothing happens by chance or by means of good or bad luck. Illness, injury, love, lost moments or true greatness and sheer stupidity all occur to test the limits of the soul. Without these small tests, if they be events, illnesses or relationships, life would be like a smooth paved, straight, flat road to nowhere. Safe and comfortable but dull and utterly pointless. The people you meet who affect your life and successes and downfalls you experience, they are the ones who create who you are. Even the bad experience can be learned from... Those lessons are the hardest and probably the most important ones.

If someone hurts you, betrays you, or breaks your heart... forgive them, for they have helped you learn about trust and the importance of being cautious to whom you open your heart. If someone loves you, love them back unconditionally, not only because they love you, but because they are teaching you to love and opening your heart and eyes to things you would have never seen or felt without them. Make every day count. Appreciate every moment and take from it everything that you possibly can, for you may never be able to experience it again. Talk to people you have never talked to before, and actually listen, let yourself fall in love, break free and set your sights high.

You can make of your life anything you wish. Create your own life and then go out and live it. I wish you all the best in your endeavors as well as struggles in life. Have a fighting spirit and never hesitate to get back in the struggle!

Be Happy Right Now

  

We convince ourselves that life will be better after we get married… have a baby, then another, get a new job, get a new house. Then we are frustrated that the kids aren't old enough
and we'll be more content when they are.  The truth is, there's no better time to be happy than right now! If not now, when?


Your life will always be filled with challenges. It's best to admit this to yourself and decide to be happy anyway. Happiness is the way. So, treasure every moment that you have and treasure it more because you shared it with someone special, special enough to spend your time with... And remember that time waits for no one!

So, stop waiting...
...until your car or home is paid off
...until you get a new car or a new job
...until you go back to school
...until you lose ten pounds
...until you gain ten pounds
...until you finish school
...until you get married
...until you get a divorce
...until you have kids
...until your kids leave the house
...until you retire
...until summer
...until fall
...until winter
...until spring
...until you die!

There is no better time than right now to be happy... 🙋🙋

Wednesday, October 4, 2017

Fall - Out - Of - Love






“hiwalay na tayo"

“bakit?“

“'i need space, i need to find my self”



Mga iilang dahilan, pero iisa lang talaga ang bottom line: Yun yung, Hindi ka na nya mahal. Hindi naman yan magbabago kung walang “bago" (bagong nakilala, bagong nagpapasaya o bagong umaaliw) at hindi yan manlalamig kung walang bagong nagpapainit. Kung nararamdaman mo na ang pagbitaw, isipin mo lang kung bakit at gaano ang hirap mo para kumapit, pag wala talaga, siguro yun na yung oras na bumitaw ka na kesa kayong dalawa pa ang nahihirapan.


Walang salitang Fall out of Love, may bago pwede pa pero yung pagmamahal na bigla nalang nawala? Walang ganon!


We fall inlove by chance, we stay inlove by choice, at the end of the day it’s your decision that matters.

Priority VS Maturity?


Sabi nila “there’s no such thing as “busy person", if you’re the Priority" sabi ko naman, yes it is, but Priority is different from Maturity, if you’re matured enough and yknow na busy yung partner mo, maintindihan mo hindi yung sasakalin mo at magdedemand ka more than what he can give, siguro proper communication about the schedules and also a little or simple effort that will make you and your self the assurance of being loved and inlove.

Society Standards



Dapat ganyan ka, dapat ganto ka. Dapat kung ganyan.. E dapat ganito.. Gash! Sino ba kasing mga tao ang nagbibigay standard at label sa mga bagay-bagay? For example in moving on? There is no such things as process in moving on, it depends sa tao. Juskoo! Stop instructing people kung ano ang dapat nilang gawin, magkakaiba tayo ng mindset at coping mechanism sa mga bagay bagay, guide them and let them experience the lessons of Life.


Ps. You don’t need validation from other people, it doesn’t define what person you are.

To all Girls Out'der!





Girls know your worth. You are worthy. Know your Standards. You are high standard.

You don’t need to chase, to lower your standard just to have someone. Kaya tayo naloloko eh, kaya tayo natetaken for granted kasi minsan, tayo din gumagawa ng dahilan ng mga boys para pagsamantalahan tayo (na hindi naman talaga dapat at never maging dapat)

Di mo kailangang magpapansin kasi ang tunay na maganda effortless, di kailangang magpapansin kasi natural na napapansin. Trabaho ng lalaki ang suyuin ka hindi yung ikaw yung effort ng effort to the point na sobra na at halatado na. Nawawala na yung pagka demure at mas nagiging mukha ng desperada.

Tuesday, October 3, 2017

Better or Bitter? Its your choice!


It's okay to soak our self with bitterness, it is our way to cope up with sadness and pain, pero dapat after that dun na tayo sa Better... better version of ourself and better path kasi we’ve learned our lessons.


Easy come. Easy gone.



Sa life, you don’t need to rush things. May mga bagay talaga na it takes time to be the best for you kaya why rushing things, kung magiging sayo naman talaga in the end? Tandaan mo, lahat ng pinipilit, masakit. Lahat ng pinipilit mahinog, mapait.

Sa relationship naman, give your partner something that will urge him to know you more, #Payummy ganon, para may thrill pa din at di sya magsawa, hindi yung kakakilala nyo lang e all out ka na agad, teh di yan performance exam na pag ginalingan e mas bongga!

Monday, October 2, 2017

Fight for your Life



Life is precious. It’s a gift. No matter how hard it is, you must keep on fighting. No matter how many times it knocks you down, what matters the most is how many times you stand and keep on fighting. 
You may be struggling right now, but believe me, every thing’s gonna be alright. Things will never be the same after you overcome that situation.

For now, love and appreciate.

Love life. Love yourself. Love everybody. Love your neighbor. Love your enemies. It may seems difficult now, but if you start by loving life, you will learn how to love yourself, when your love for yourself, overflows that is the time, you share it with everybody, including your neighbors and enemies.

Appreciate life, appreciate the gift and blessings you have. It is the most wonderful feeling when you count your blessings, you will end up feeling amused by how much you are blessed.

There is much more to life. There is mch more to learn. There is much more to fight for.

Embrace life. 
Embrace change. 
Embrace yourself today.

Isang Paalala!



Pare. Baket ginaganyan mo lang siya? Hindi mo ba alam na maraming lalaki ang gustong gusto na pormahan siya pero di nila magawa kase makita pa lang nila yung ngiti niya pag ikaw yung kasama nawawalan na kaagad sila ng pag-asa. Maraming lalaki ang nagsasabing sana sila nalang yung nakakapagpasaya sa kanya. Na sana hindi siya nasasaktan dahil sa mga ginagawa mo. Maraming iba diyan na hinihintay lang magkalabuan kayo. Nalulungkot sila na yung taong pinapangarap nila, pinapaiyak mo lang. Di natin alam baka mamaya bigla na lang magbago ihip ng hangin. Kaya ingatan mo siya pare.

Sunday, October 1, 2017

Pundasyon ng Pagmamahal


Try to picture yourself as a wall. Yung tamang taas lang ng pader. Tinanong mo ba ang sarili mo kung sino ang willing umakyat over you para lang makita at makasama ka? Kase yun ang namimiss out natin sa mga sarili natin kaya ang dali dali nating nasasaktan. Hindi pa nakakaakyat ang tao sa mga pader mo, nakakapasok na sila agad agad, ganoon din sila mabilis na aalis, kase never silang nahirapan sayo. Pero kung bibigyan mo ng time ang sarili mo na bigyan sila ng pagsubok to know you even more, malalaman mo gradually kung sino ang handang tiisin ang init at lamig ng panahon, para lang akyatin ang tumataas mong pader. And when they’re completely into you, it will be hard for them to say goodbye, kase sa pag-akyat palang over your walls are already challenging.

Kung anong bilis na naging kayo, sing bilis din na mag b-break kayo. Bakit? Walang pundasyon. 

Thursday, September 28, 2017

Tula... Ano Ang Pamagat?


Wala namang mali sa nararamdaman mo. Ang tanong dyan, saan mas matimbang. Saan ang mas kailangan? Ang sakit na dulot nya? O yung kaligayahan na nabibigay nya? Kasi at the end of the day, happiness mo ang importante. So what kung masakit, kung ibig sabihin ng kasiyahan ay ang masaktan ka nya eh di piliin mo nalang masaktan. Kasi kung iiwan mo rin sya, sakit lang maiiwan sayo. Pero kung marerealize mo yung tama, yung totoo, yung dapat, iiwan mo sya. Kasi hindi mo deserve masaktan. Kasi happiness mo nakataya dito, hindi sa kanya. Kaligayan mo. Matitiis mo bang nakikita sarili mo masaktan kapalit ng kakarampot na kaligayan na nabibigay nya?

"Your hands were the warmest thing that ever touched my heart"

Wednesday, September 27, 2017


'Paalam.’ ang sabi niya. Ngunit walang nag-abalang makinig; walang huminto para yakapin o magkunwaring pigilan man lamang siya. 


Nakatungo habang binabagtas ang daan papalabas, pilit nagmamadali upang siya’y mabilis na makaalis na. Iniiwasang may mga taong makapansin; mga taong dati’y kanyang mga kaibigan — dating malaking bahagi ng buhay niya.


Biglang bumalik sa alaala yung mga panahon na masaya pa siya sa pananatili sa lugar na iyon. Yung kagalakan na magkaroon ng pagkakataon na makasalamuha ng ibang tao. Yung mga panahon na malaya niyang nagagawa ang mga gusto; walang takot na huhusgahan siya ng mga ito.


Pero unti-unting dumating yung sitwasyon na kanyang kinatatakutan. Yung mawalan siya ng kalayaan; ng kapayapaan ng kalooban. Dahil kung mayroon man siyang hindi gustong pakiramdam, iyon ay ang magapos at ang madiktahan. Dahil nandito siya para maging malaya. Para maialis ang ano mang gumugulo sa isipan. At kung hindi na niya makamit ito, hudyat iyon na oras na para siya ay lumisan.


Binuksan niya ang pinto ng dahan-dahan. Siniguradong walang liwanag na makakapasok mula sa labas dahil ito ang labis na kinatatakutan ng mga taong nasa loob. Mga taong nabulag na sa katotohanan; mga taong nasanay na sa kadiliman nang hindi nila nalalaman. 


Sa huling pagkakataon ay lumingon siya sa dating tahanan. Naglabas ng isang mapait na ngiti at tuluyan nang tumuloy sa paglakad. 


‘Paalam.’ ang sabi niya.



Pagmamahalang Lumipas


Sa loob ng mahabang panahon ay binabalewala
Hindi pinahahalagaan, hindi inuunawa
Tinitingnan lamang na parang isang ulilang bata
Walang pag-ibig, tinuturing na mababa.


Kailan pa ba natin sisimulang makita?
Ating nakaraan, sadyang malabo na
Taglay nito ang mga pabaon - mga alaala
Mga naging dahilan kung ba't tayo ngayo’y malaya na.


Tayo ay kasalukuyang iniwan ang panahon kung saan
Kay daming pasakit at hirap na napagdaanan
Ngunit magagawa ba nating sisihin ang nakaraan
na puno ng hinagpis, sigawan at karimlan.


Ito ang dahilan kung bakit mas dapat nating pagsikapan
Na maikintal ang pagpapahalaga at pagmamahalan
Dahil sa ating pagbabalik-tanaw sa ating mga naranasan,
Hindi na natin muling tatahakin pa; sa halip ay aayusin --
ang mga maling daang nilakaran


Tanging sa kasaysayan lamang natin magagawang maipakita
Kung papaanong ipinaglaban sa iba ang ating pagsinta
Doon din natin magagawang itanim sa puso ng bawat isa,
Na ang pag-ibig at ang mga pusong may pagkakaisa--
ay malaki ang pagbabagong sa atin ay maibubunga.





Sa huli, makikita mo rin na walang meron sa akin. Na sa iyong paglapit ay unti-unti mong mapagtatanto na hindi mo matatagpuan ang sa akin ay iyong hinahanap dahil sa una pa lang ay wala naman talagang matatagpuan. Na gaya lang ako ng karamihan sa atin–naliligaw–ngunit ang ipinagkaiba lang ay aking nalalaman na may mali sa aking nilalakaran. 


Maraming salamat sa pagbabasa ng aking isipan.

Positibong Pananaw


Kung sakali mang hindi umayon sa aking mga plano ang maging takbo ng mundo, at sampalin man ako ng katotohanan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo ako, mananatili akong panatag at kuntento dahil nalalaman kong hindi ako nag-atubiling lumaban at sumubok na kamtin ang mga pangarap ko. 


Pinili kong maging masaya, at ibinigay ang lahat-lahat nang meron ako sa buong proseso ng pagkamit ng kaligayahan o katagumpayan na ninanasa ko, kung kaya’t ano’t ano pa man, madarapa lamang ako, ngunit hindi matatalo.

Lahat Tayo'y Lilisan

Gitnang-Silangan

Hindi magtatagal ay lilisanin ko rin ang lugar na ito. Magagawa ko ring makalaya mula sa pagkakagapos na matagal ko ring pinagtiisan at hindi kailanman nilabanan. Balang araw ay magagawa ko ring makawala. Magagawa ko ring maging matapang at tumayo sa sarili kong mga paa; malaya mula sa paghatak ng iba papunta sa pagkakagapos na hindi nila nalalaman ay kinasasadlakan din nila. 

Oo, alam kong hindi naman talaga ito isang malaking bangungot kung tutuusin. Hindi naman maikakaila na ako rin naman ay nakadarama ng pagmamahal at kaligayahan mula sa mga nakapaligid sa akin. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, kung aking titimbangin ang mga bagay-bagay, tila ba mas marami ang sa akin ay nawawala kaysa sa aking nakukuha. Nilalamon ng lugar na ito ang aking kalakasan. Unti-unti nitong pinapatay ang apoy sa aking kalooban. Inuubos nito ang aking tapang. Pinapawi nito ang aking kauhawan – na matuto, na maghanap, na makatagpo ng mga bagay na malayo mula sa akin kinagawian, kinalakihan at kasalukuyang nalalaman. 

Kaya’t kailangan. Aalis ako rito ano’t ano pa man. Hindi man ako tuluyang tatalikod, dahil babalik at babalik din naman talaga ako mula sa aking pinagmulan – mula sa lugar na hindi ko naisip noon na gugustuhin kong iwanan. Kailangan. Kailangan kong buksan ang iba pang mga mga pintuan na nakahatag sa aking harapan. 

Kaunti na lang. Kaunting tiis na lang. Patuloy akong naniniwala. Ako rin ay lalaya. Ako rin, mula rito, ay tuluyang makakawala.

Pre... Patience!



Mahirap man ngayon. Mukhang imposible man para sa ‘yo. 'Yung pakiramdam na parang hindi kumakampi sa 'yo ang pagkakataon.

'Wag ka agad susuko. 'Wag ka agad bibitiw. Kaunti lang yan kumpara sa mga napagdaanan mo na at ng mga tao sa buong mundo.

Ngayon ka pa ba papara sa jeep kung saan alam mo naman kung saan ang terminal nito? Minsan, hindi man nila dinadaanan ang sa tingin mong tama at nakasanayang daan, baka may ibang kalsada lang patungo sa pangarap mo na hindi ma-traffic. Tiwala lang sa DRIVER ng buhay mo.

Pre, patience is a virtue. Tandaan mo.

Pre, Magsulat Ka!






Wala yan sa lalim ng iyong tinuturan o sa babaw ng mga kung anu-anong ka-anuhan ang gusto mong isulat.

Wala yan sa kung ano ba ang mas kahangahangang salita kung pareho lang naman ang nais mong ipahayag.

Wala yan sa sasabihin ng iba kundi sa tanging mga salitang sasabihin mo lang.

Wala yan sa “Ano raw?” dahil sa di-pamilyar na salita, wala rin yan sa “E ‘di wow” dahil sa simpleng pangungusap na may matapang na pagpapahayag.

Kung gusto mong magsulat, magsulat ka. Titulo lang ang salitang manunulat o writer.

Kung ano ang gusto mong sabihin sa mundo - positibo man o hindi - ipahayag mo. Tutal, buhay mo naman yan eh. Matanda ka na rin para malaman kung ano ba ang mga consequences na maaaring mangyari.

Wag kang magpapapigil sa iba. Wag mong isara ang takip ng ballpen mo. Wag mong i-shutdown ang laptop mo. Wag mong i-log out ang mga social media accounts mo.

Wala yan sa kung anong sasabihin nila. Wala yan sa numero ng mga likes sa mga salitang inilahad mo. Wala yan sa bigat ng mga comments nila o sa kung ilang beses ba nilang pinindot ang reblog sign at hearts sign.

Pre, magsulat ka. Walang pipigil sa'yo.

Mahal nga eh... Kaya Nagpakatanga!